HAPPY NEW YEAR!!!
Bagong taon na...anyway, masaya din naman ang nakalipas na taon, magkakasama kaming pamilya and healthy kami, financially, ok...miss ko nga lang si ineng ko...di bale, kailangan kasing magkalayo kami para masuportahan ko siya matalino pa naman si ineng mana sa akin, kung pwede nga lang lahat ng gusto niya maibigay ko, mahal na mahal ko yun...siyempre mahal na mahal ko din si bunso, makulit nga lang minsan kaya napapagalitan ko, medyo na iispoiled na yata dahil lahat ng attention namin ng daddy niya nasa kanya, kasi si ate dalaga na, may sarili ng mundo, me sarili ng isip at mga desisyon, kaya nga naiwan ko na siya...teka lumalayo ako...marami akong new year wishes saka new years resolution...
WISHES...
1. Mabayaran ko na lahat ng utang ko...kaya kailangan...
2. Makapagtrabaho na ako ng maayos dito, sabagay, kung sa Pinas ako magtratrabaho, malabong matupad yung una, at least dito me pag asa...
3. Manatiling malusog ang mga babies ko, si ate kasi malayo siya sa akin, si bunso kasi maliit pa siya at siyempre kami din, para matupad yung una
4. Makapagdesisyon ng mga tamang desisyon...
5. Yun lang muna siguro, kasi importante sa akin pamilya...basta malusog kami at kayang magtrabaho, ok na...at
6. Syempre, manatiling buo at masaya ang aming pamilya
RESOLUTIONS???
di ko na muna sasabihin, pag aaralan ko pa kung kaya ko, mahirap e...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home