Wednesday, December 31, 2003

HAPPY NEW YEAR ULIT!
nakaluto na ko ng media noche namin mamaya, parang tunay no? walang spirit ng bagong taon dito kasi wala namang paputok, nung ramadan madaming fireworks ang gaganda kaya parang maaga ang new year, dito lang naman kami sa loob ng flat, kami-kami pa rin, same old faces...mga kasama namin sa bahay...miss ko tuloy bagong taon sa Pinas, kaya lang maisip ko pa lang ang nerbyos at kabang inaabot ko sa mga paputok, ok na ko...iniisip ko tuloy kung ano na ginagawa nila sa amin? nagluto daw si ineng ng leche flan, nabuo kaya? yung salad sigurado masarap yun kasi di naman niluluto yun e, nag morcon kaya ang mother dear ko? ako nag morcon...me leche flan saka embutido, late na ng maalala ko ang sinabi ni mother dear na walang chicken pag bagong taon, e nasa saudi ako, yun ang pagkain dito...tutal embutido naman, bilog pa rin di-ba?Yung kasama ko sa bahay, palitaw na bilog ang ginawa...yung isa siomai saka lumpiang shanghai para mamayang gabi. bukas ako morcon, yung isa sugpo, yung isa sinigang yata...a ewan, basta ang alam ko masarap ang morcon ko kasi recipe ni mother dear yun, salamat sa e-mail nakuha ko...dapat mag sisiopao ako, kaya lang sabi ko over na sa bilog baka puro barya na maging pera ko...fruits dami dito, kung pwede nga lang ilusot sa webcam at ipadala sa pinas...cherries, strawberries,kiwi,peaches,oranges,apples,at saka ibang rries na favorite ni ineng ko...hahaluan ko ng saging para me pahaba...saka grapes nga pala, black,red and green para dollar...
di ko masunod yung pinya, kasi grabe ang mahal nya!katumbas na ng 1 linggong allowance ko sa pagkain namin, tutal isasabit lang naman sa pinto yun, yung pambili na lang isasabit ko..

ANG MGA PINOY SA SAUDI...
Mga Pinoy talaga, alam na alam mo pag holiday sa atin, kasi kagabi sa palengke, nagkakagulo sila sa pagbili ng saba at niyog, as in nakapila sila sa pagpapakudkud ng niyog na mistulang kulangot na sa itim at kulubot ng bao...buti puti pa yung loob, kala ko green na, sisigaw na talaga ako e...obviously, halayang ube ang gagawin nila kasi me hawak silang mga ube, ayoko ngang makisabay sa kanila, pag uwi ko na lang, pag hahaluin ko si alyo ng 1 kawang ube...saka siguro guinatan, kasi me saba,kamote at bilo-bilo...haluan na lang nila ng sago 7 bilog na...pinoy talaga...gusto ko ngang kumanta ng bayang magiliw habang nagbabayad sa counter....sila tatang naman nagtatalo talo kung ano ang sahog ng buko salad, sumabat ako, sinuwerte naman sila dahil ultimo sukat ng mga sangkap e pinasulat sa akin, kala ko nga magpapaturo pa ng pansit, tuturuan ko talaga, nakakaawa kasi sila puro sila lolo na nandito sa saudi...buti si tatay andito na ko kahit papano di na nya proproblemahin kung ano ang isinasahog sa pansit...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home