Wednesday, January 14, 2004

AYOS BA BIRTHDAY MO NENG???

O di ba okay ang birthday mo? sosyal ka pa, sa yellowcab ka pa na blow out ng tita mo, teka, ano nga ba yun? taxi ang pagkakaalam ko dun...buti na lang inexplain mo sa akin na restaurant yun na new yorker ekek ang dating, kundi magtataka talaga ako bakit sa taxi kayo kumain...:0
Minsan iniisip ko, totoo yata ang myth na nakakabobo dito sa saudi...di rin naman siguro masyado, minsan minsan sumasablay pero nasa sa iyo na yun kung pipiliin mong maging bobo, kung kagaya ng ginawa ko sa pinya na ifre-freeze mo ang utak mo, malamang...pero don't worry neng, di magyeyelo ang utak ko dito kasi kumpleto naman ng babasahin kahit me mga itim itim na tinta na kung minsan itinatapat ko sa liwanag para maaninag yung tinakpan na picture...sa pocket books, madami din, di lang siguro nila ma i block yung iba kasi wala ng matitira...buti na lang...suki na nga ako ng Jareer Bookstore, parang National Bookstore yun, kumpleto, me arabic books pa...hehehe...
Minsan, dala ng pagkainip na rin, gusto ko ng magtrabaho, nakaka miss din yung pakikipaghabulan sa jeep pag umaga, yung flag ceremony sa city hall pag lunes suot ang maria clara dress...dito abaya...para kang lady in black na nagmamartsa, madalas, nadadapa ako sa Batha kasi mahaba, e lubak lubak din naman parang Divisoria...
Wish ko nga makarating ka rin dito kahit sandali lang, lahat ng favorite mo nandito...e di ka naman kumakain ng baboy di-ba?kaya OK na OK ka dito...lahat ng klaseng prutas, meats saka chocolates at kung ano-ano pa, nandito...uyyy,marunong na akong tumingin ng expiration dates huh! minsan nga testing ko yung fresh milk, kasi me oras at date, tinignan ko before the time, OK pa, nung paglagpas ng oras, panis na, Sheeeet!!! totoo pala!!! kasi naman kala ko OA lang, saan ka naman nakakita na ultimo bigas e me expiration? pero pag galing jan sa atin kahit expired na, kinakain ko pa rin, kasi sabi ko mahuhusay gumawa ang pinoy, nalalagpasan nila ang expiration dates.
Sarap pumunta sa Panda, Tamimi, Euromarche...lahat ng imported andun...pero huwag ka, ang mga pinoy, sa Batha pa rin matatagpuan, bakit kamo? kasi andun yung mga bilihin na galing sa atin...nakakatawa nga, kasi pag andyan sa pinas, imported hinahanap natin, pag nasa ibang bansa ka pala, pinoy pa rin...kahit sabihin mong ginto ang kalamansi, yun pa rin, nereseng mas mura ang lemon...
Kaya kahit minsan nagagalit na sa akin si alyo, pag biyernes, enjoy na enjoy ako sa Batha, at isa pang nakapagtataka...ang laki ng saudi, pero dun ko nakikita ang mga kaklase ko ng high school at college,pati nga yung best friend ko ng high school na ilang taon na rin kaming di nagkikita, nagkagulatan pa kami dun! with matching apiran pa, buti di kami nag beso beso, kundi baka nakulong kami....samantalang sa pinas, di kami nagkita...minsan me lumapit sa akin...arellano high ka? tinitigan ko pa mabuti at "sumagot na oo bakit?" "kasi arellano din ako" sagot naman niya, sabi ko, "naging classmate ba kita?" "hindi" sabi niya "mag ka batch mate lang tayo..." laking gulat ko kasi sa ilang daan kaming estudyante dun, natandaan niya ako...ganun pala...you will try hard to look for a familiar face when you are in a strange place...totoo pala yun...kung si tita velyn mo nga kaklase nya ng grade one nakilala pa siya! asteeeg di-ba? Teka pala, yun ngang kapitbahay natin dyan na hindi ko naman kakibuan, nagulat ako kasi binati ako dito parang long lost brother ko siya....ride na lang...homesick siya eh...sa isip ko, pag sa tondo, yabang nito...pinakilala pa niya ako sa misis niya na best friend niya...buti na lang, di ako kumakain nun, baka nabulunan ako.
Kaya nga pag biyernes, nagpupustahan na kami ni evelyn kung sino ang makakakita sa kakilala e, pero kailangan di kami ang maghahanap, kundi sila ang hahanap sa amin...parehas pa rin kami ng score, kung princesa ako ng city hall ng maynila, siya naman barangay patrol sa bagong barrio.
Minsan nga sabi ni alyo sa akin, baka daw parang politician ang mukha namin ni tita velyn mo, na pla-plaster sa mga ala-ala nila...sagot ko, hindi, tanggapin mo na, maganda lang talaga ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home