HAPPY BIRTHDAY NENG...
Naiiyak ako pag naiisip kong dalaga ka na...ibig sabihin matanda na talaga ako? oy hindi pa po...
naiinis ako kasi yung inorder kong regalo sa kanya di pa dumadating, sa 15th pa daw, e di hindi aabot sa debut mo...yun pa naman ang hinahabol ko, kasi naman mga OA tao dito, camera lang sa cellphone bawal pa...
Anyway, birthday ni ate...sana magkasama kami...kakain kami sa Jollibee...gaya nung maliit pa siya...na mababaw pa ang kasiyahan nya, na iorder ko lang siya ng ice cream ang saya saya na niya...
laking pasalamat ko sa Diyos at lumaking matalino at maganda si ate...pag naiisip ko ang mga pinagdaanan namin, napapabuntunghininga na lang ako...di na masama ang loob ko, kasi ang tali-talino ni ate saka mabait, galing galing ng binigay sa akin ni Lord na anak...malas lang ng tatay nya, di nya nararanasan ang mga kasiyahan at pagmamalaking nararamdaman ko...di nya maikukwento sa lahat ng kausap nya na ang galing galing ng ineng ko...na pagtanda ko, siguradong me ineng ako, siya wala...
Gusto ko sana lahat ng gustuhin nya maibigay ko...worth naman...buti na lang napakamaunawain ni ate, naiintindihan nya bakit kailangan naming magkalayo...kasi kolehiyo na sya, kahit scholar sya, malaki pa rin ang pangangailangan...na kung sa Maynila ako mag tratrabaho ay walang mangyayari sa amin kundi lalong mabaon sa utang...mabuti na rin meron siyang tito al na nagmamahal din sa kanya na willing ibigay ang mga nais nya...
Malaki ang tiwala ko sa kanya kaya malakas ang loob kong iwan sya pansamantala kahit masakit sa dibdib ko...kaya lang minsan naiisip ko, sana magkasama kami para na ishashare nya sa akin ang mga nararamdaman nya...buti na lang me blog, na uupdate ako sa feelings and thoughts nya, ang galing galing talaga ni ate...
Konting panahon na lang, magtatapos na ng pag-aaral si ate...maaring mag-asawa na siya...nakupu, ayoko pang maging lola...pero gaya ng lagi kong sinasabi sa kanya, huwag na huwag siyang gagaya sa akin...maging matalino siya sa pagpili ng mamahalin...
Kaya lagi akong nagdadasal sa Diyos na gagabayan palagi si ate....sa lahat ng bagay.
I love you neng...and i really miss you...HAPPY BIRTHDAY...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home