Tuesday, February 10, 2004

MAGANDANG ARAW SA INYONG LAHAT!!!
Matagal akong hindi nakapagsulat dito dahil ako ay isa na ulit working mom!!! Ok lang ang trabaho ko dito, part time lang muna dahil malapit na ang aming pagbabakasyon...hindi pa ako puwedeng mag full time dahil hindi kami makakapagbakasyon pag ganun...miss na miss ko na si ineng ko...at siyempre ang mga bagay na wala dito...like, baboy...hindi ako mahilig kumain niyan pero kapag pala wala sa iyong paningin ay hahanap hanapin mo...pati na ang simbahan...sabagay, nakakapagdasal pa naman ako kahit walang simbahan kaya lang, hindi ako nakakapag misa...meron daw nag mass dito sa isang resort, grupo ng mga pinoy, marami silang malalakas ang loob dahil sa kagustuhang makapagsimba...hayun, nahuli daw lahat...pero nakalaya na rin sa tulong ng ibang grupo...alam mo nman tayong pinoys, kahit saan, basta narinig na me naaping kabayan, tulong na...
Mahirap dito dahil ibang-iba talaga ang kultura nila at relihiyon...malayong malayo sa ating nakagisnan, dito ka talaga makakaranas na kabahan ng ganun-ganun na lang kahit tingin lang...kunsabagay, sabi nga ng aking asawa, kung wala ka namang ginagawang masama bakit ka kakabahan? pero kahit na...iba pa rin ang itsura nila...mistula silang mga mumuu na naglalakad sa daan...meron nga nung 1 gabi sa palengke, 1 pinoy na hinahabol...kawawa naman siya dahil naabutan, di ko nga maihakbang ang aking mga paa dahil ayaw naming alisin ang aming tingin kung ano ang mangyayari...pero alam mo, ang bilis nung mama, nasuntok niya yung pulis sabay hubad tsinelas at takbo....nagtakbuhan din yun ibang kabayan nakisabay para malito yung humahabol....sana nakatakbo siya...sabi, kaya daw hinahabol dahil me suot na stampita...yun lang, ang babaw ano?
Kung ako nga, nag apply ng trabaho dito nung unang dating ko, na trauma ako sa manggagamot pa naman yun, bigla na lang akong hinawakan...hala, sigaw ako ng "Darna!" sabay takbo palabas...
ganun naman, natakot ko siya ;)
Kumpara sa ibang bansa, dito na siguro ang 1 sa pinakamahirap mag hanap buhay, kasi hindi mo tantyado ang mga nakakaharap mo, kailangan, maingat ka sa bawat sasabihin at gagawin...ang tingin kasi nila sa mga dayuhan ay busabos nila...hindi naman nila kayang trabahuhin ang trabaho ng pinoy...
Hay naku, di bale, 3 buwan na lang, nasa Pinas na kami ulit sa loob ng 1 buwan...kung marami nga lang trabaho sa atin na kayang sumoporta sa bawat pangangailangan...dun na lang kami, kaya lang, dito kahit paano, masuwerte pa rin ang aking asawa dahil malaki ang sahod niya na hindi nya makikita sa atin...kaya, konting tiis.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home