NAKAKAINIP?!?
Kung kailan naman malapit na ang aming bakasyon, mas nakakainip...si Adrian, homesick na, ang tagal daw matapos ng school nila para makita na niya ang kanyang mga pinsan at tita..kumpleto na siya ng listahan ng pasasalubungan, natatawa nga kami ng daddy niya dahil daig pa niya kami, at pinipilit ang daddy niya na kunin na ang aming tiket, kung pwede lang sana na kapag naisipan mong umuwi ay sasakay ka lang ng eroplano...kaya lang nakakainis ang uwi namin, eleksyon...puro kampanya...parang nagsawa na ako sa ganoong senaryo...ang tagal kong nagtrabaho sa city hall, palaging ganun, eleksyon...pera. Para ko ng nakikita ang mga kasamahan ko duon, halos hilahin na siguro ang araw para dumating na ang eleksyon, kasi marami kaming pera nun, dahil sa overtime, kasi bahagi kami ng comelec, distribution ng ballots at iba pa, kami yung nagbibigay sa mga teacher...di ba nga nung nakaraang eleksyon, nakunan pa ng picture si kuya jojo na natutulog sa ibabaw ng ballot boxes, kasi kapag nawalan kami ng isa, tanggal ka, nakaktuwa din, nakakalibang...nakakapagod...nakakaloka! kasi pati retrival ng boxes ay kami...naranasan kong sumakay sa dump truck, sa mobile patrol...masaya!
Ang nakakalunggkot, kung sino yung mabababa ang sahod siyang nagtratrabaho talaga, e, pagdating ng bayaran, base sa sahod mo...kawawa sila, sila yung bumubuhat...medyo nabawasan na dati ang pagiging sentimental ko pagdating sa ganyang bagay kasi nabantad na ako...pero ngayong nandito ako, naiisip ko, kawawa ang mga utility...tapos ang mga malalaking sahod, natutulog lang...at least ako, taas noo kong masasabi na pinagtrabahuhan ko ang bawat sentimo na nakukuha ko, hindi ako umasa sa utility kasi ang tagal ko din pong naging utility. Hay naku, ayaw ko na! Tinatawagan nga nila ako na bumalik na sa Pinas kasi sayang ang eleksyon, pera...pero para ano pa? sumipsip at makipag plastikan sa kanila? Mahirap pala yung marami kang panahon na kilalanin ang sarili...nagiging mapili.
Pero masaya ako para sa kanila, kasi talagang malaking tulong ang eleksyon, karagdagang kita, kahit na unfair talaga minsan sa mabababa ang sahod. Teka nagiging politikal ata ako..sorry ha!
Nagtatatag ang isang grupo ng Pinoy dito ng isang foundation na tutulong sa mga kahabag habag na kabayan, yung mga tumakas sa mga amo nila dahil sa hindi makataong pagtrato...ang dami palang hindi makauwi dahil walang pambili ng tiket, kahit na pwede na silang umuwi, nandun pa rin sa embassy...siguro kung yung mga pinambibili ng idinidikit nila sa poste at kalye ay ibahagi sa ibang nandito na nakakaawa talaga...makakauwi sila lahat at makakapagsimula ulit ng bagong buhay.
Sabi ko nga, kung pwede lang sanang gawing eroplano yung mga posters...sana naman ang mabotong presidente ay pagtuunan ng pansin ang mga ganung sitwasyon...
Tinanong ko nga yung isa dun kung sino ang iboboto nya, ang sagot sa akin, di na lang po ako boboto mam kasi pare-pareho lang po...quite na lang ako.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home