PAMILYA O TRABAHO?
Katatanggap ko lang text mula sa kaibigan ko...madami na daw nangyayari sa city hall at kailangan ko ng bumalik...nag iisip ako...mahirap magdesisyon, kasi maganda din naman ang trabaho ko dun, kumbaga hanggang pagdating ko ng 65, me trabaho ako, yun nga lang magkakalayo kami ng aking asawa...na mahirap gawin, kasi nasanay na naman ako na mgakasama kami, ngayon nga lang nmain nakikilala ng husto ang isa't isa sa tagal ng panahon na kami ay mag asawa...kasi dito, kami lang, wala akong tatakbuhan, kaya kahit magkatampuhan kami, no choice ako kundi batiin siya agad. Sabagay, sabi naman niya, dito na lang muna kami, kasi me trabaho din ako dito kahit pa sideline sideline lang, na kung susumahin ang kinikita ay 3 buwan ko sa city hall...masaya ako dito, pati duon sa pinapasukan ko, nalilibang ako ng husto, swerte kasi pinay din ang madam ko...
Huwag ng pag usapan ang kita...dito, wala akong stress...wala akong iniisip kundi kung ano ang lulutuin, in short, meron akong peace of mind, kasi si ineng, dalaga na, kaya na niyang pangalagaan ang kanyang sarili, at malaki ang aking tiwala sa kanya...
Teka, mag iisip muna ako ng husto kung kaya ko na maging masungit pag tanda ko, kasi yung matatanda sa city hall, ang susungit, wala ng binantayan kundi oras, at yung kanilang pagreretiro...kung kaya kong sumipsip ulit, at lulunin ang masasakit na salitang binabato ng boss ko dun pag me sumpong siya...imaginin ko lang ang sarili ko na ganun ang buhay ko hanggang sa 65 na ako...
Oo nga, hindi naman ito gaya ng amerika na immigrant ka, kumbaga, aasa ka lang sa kontratang ibibigay nila sa yo...walang security of tenure dito.
Sabi naman ng asawa ko, magtrabaho ako dito habang pwede, ipunin ko at magtayo na lang ng negosyo sa atin pag dating ng panahon...
Di ko na alam ang iisipin ko...ang gulo, pati negosyong pwede kong itayo, iniisip ko. Ano sa palagay nyo?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home