"Si Maan, ang munting Prinsesa"
Sobrang busy nga siguro ng ineng ko...hindi kami nakakapag online, miss na miss ko na siya, pati si bunso, miss na rin siya. Sabagay, mahirap ang course nya, mana sa akin, engineering din...aba, siya ang magpapatuloy ng pagiging engineer ko...kasi ako, heto, hindi ko nagamit, although nakakapag sideline ako minsan ng design...hindi ko naman siya matawagan kasi baka nasa klase siya. Natutuwa ako at me nagbabasa nitong blog ko...akala ko si ineng lang, maganda na rin itong naimbento nila, naipararating ko ang nararamdaman ko.
Neng, malapit na kaming magbakasyon, sabi mo me pasok ka...sana makapamasyal pa rin tayo...makakain ng mga favorites mo ganun...
Natutuwa ako kasi ayaw mong tanggapin yung ibibigay sa iyo ni Hitler, kunsabagay, baka nga pag tinanggap mo yun ay asahan ka niya na alagaan sya pag tanda nya...ako na lang alagaan mo...hehehehe...
Justified naman ang desisyon ng korte di-ba? kahit maliit yun, napatunayan na responsibilidad ka niya, ang malas niya kasi tinalikuran ka niya...ako swerte, kasi ang galing-galing mo, ang bait-bait (!?!), lalo na nung maliit ka pa...tayong dalawa ay laging magkasama, bow!Anyway, siguro eksakto ang paglabas nun kasi, 18 ka na, me husto ng isip...hindi ko naman sinasabing kalimutan mo yun kasi tatay mo pa rin yun kahit hindi siya naging tatay in a sense...tanggapin na lang natin na ganuon klaseng tao siya talaga. Siguro pagdating ng panahon (by aiza) ay hahanapin ka niya...hayaan mo na lang ang nakaraan...marami naman siyang bagay na na miss tungkol sa iyo...
Basta ang isipin mo, nagsisikap kami para sa iyo, gusto naming maibigay ni tito al mo lahat ng pwedeng ibigay at isuporta sa iyo...malay ko, matupad yung pangarap mong ipagpatayo ako ng bahay sa bundok ;-)
Kaya mag aral kang mabuti, which is alam kong ginagawa mo, kung hindi ba naman e magiging scholar ka?
Ang drama ko? oy hindi...basta pag binigay ng buo...hati tayo ha? (jokjokjok)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home