Sunday, March 14, 2004

"GOODBYE FRIEND..."
Yesterday, I received a phone call from my mother...nakakalungkot, wala na ang isa sa aking kaibigan...ni hindi ako nakapagpaalam sa kanya kasi nga narito ako...ninang siya ni ineng ko...kasama ko siya sa P.U.P. nung college kami, siya pa naman ang scholar talaga sa amin, masipag siyang mag-aral, puno ng determinasyon...maganda rin ang kanyang trabaho sa NIA, naiinggit nga ako sa kanya nuon dahil nagagamit niya ang kanyang pagiging engineer, natupad niya ang kanyang mga pangarap, sariling pamilya, bahay sa isang subdivision...masaya sila...isa ang kanyang anak na maliit pa rin. Hindi malaman ang dahilan ng kanyang pag lisan...pero sigurado ako, masaya siya, kasi sa aming lahat, siya yung pinaka madalas tumawag sa KANYA...sa loob ng 5 taon na aming pag-aaral, siya yung kasabay ko sa araw-araw na pakikipaghabulan sa jeep...kasi magkalapit ang aming bahay nuon...nakakalungkot dahil magkakalayo kami, yung dalawa ay nasa Amerika na, yung isa ay nasa Canada, isa sa Norway, 1 sa Australia...kamusta na rin kaya sila? nawala kasi ang aming komunikasyon nuon dahil hindi pa naman uso ang e-mail at text messages...1 na lang ang nasa Pinas, siya yung nagbalita sa amin ng nangyari...bata pa si Beth...marami pa dapat gampanan sa mundo...pero ganun siguro talaga, hindi mo alam ang susunod na mangyayari...paalam prend...mare...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home