Sunday, March 28, 2004

HAPPY VACATION NENG!
Summer vacation na diyan sa atin...dito rin...unti-unti ng nararamdaman ang pag-init ng panahon, tapos na rin ang recognition day ni bunso...oy ate, honor siya! nakakagulat kasi hindi siya nag-aaral sa bahay, puro laro na pinababayaan ko na lang kasi sa edad niyang 4 na taon, naghahanap pa siya ng kalaro, e ako lang naman ang mapapagtiyagaan niyang kalaro dito. Homesick na nga si bunso, gustong gusto ka na niyang makita, pati na rin ang kanyang mga pinsan, gusto na niyang ikahon ang mga dadalhin daw niya para sa iyo...alam mo, mahal na mahal ka ni bunso...
Naiisip ko ang summer...eleksiyon na pala, pag uwi namin, botohan, magulo, makalat...pero na mi-miss ko rin yun huh! lalo na yung 1 linggo naming paghihirap sa eleksyon, yung mga gabing wala kaming tulog sa pagbabantay na lumabas ang official ballots, yung paghiga sa ballot boxes kapag walang mahigaan kagaya nung nakaraang eleksyon na sinabayan naman ng malakas na ulan...lalo na ngayon, national level, matatakot na naman sana ako sa mga armalite ng mga marines na kasama namin sa pagbabantay...ang mga suhol na pagkain at sobre na kahit gutom na kami ay hindi maaring tanggapin, ewan ko yung iba...
Babalik pa ako dito, aayusin ko na ang aking resignation sa City Hall...sayang pa kasi yung kahit na 2 taon na kikitain namin dito...lalo na at nasa college ka na, pasalamat ko nga scholar ka, konti na lang ang problemang financial...yung para sa darating na panahon na lang...kasi kung mananatili ako diyan, ubos talaga lahat...
Ate, mag aral ka mabuti ha? huwag na huwag kang gagaya sa akin.... i love you...





0 Comments:

Post a Comment

<< Home