Wednesday, March 03, 2004

"Iba't Ibang Mukha dito sa Saudi..."

Bakit iba't ibang mukha? Talaga naman ahhh! akala ko sa city hall lang meron nung ganun, yung iba't ibang uri ng tao na hindi mo mawari kung ano...kung tunay o tupperware o orocan...kasi ganito yun...sa bago kung trabaho, isa itong recruitment agency for local labors...at saka yung mga labor na nanggaling sa atin...iba't ibang istorya ang maririnig mo...may nakakaawa, may nakaka tuwa, may nakakatuwang sakalin...kasi naman mahahalata mong umaarte lang at nagsisinungaling...mayroon nga dun, nung iniharap na sa mga taga embassy natin, kuntudo iyak dahil pinagnanasaan daw siya ng kanyang among lalaki at minamaltrato ng among babae...maniniwala na sana ako, kaso nung nakaalis yung mga nag interview sa kanya, sabi ba naman sa akin, kasi daw gwapo yung amo niya sabay tawa...at take note, ang suot! labas ang pusod...at tinanong pa ako kung may kakilala akong naghahanap ng syota! sarap pitikin di-ba? meron naman mga tunay ang istorya, mababakas mo sa kanilang mga mukha ang paghihirap talaga...pero meron pa, tumakas sa kanyang amo dahil gusto niya lang sumama sa kanyang boyfriend na may asawa naman sa atin! pag naman hindi ka talaga nakasakal ng tao...minsan naiisip ko, mga kapwa na rin natin pilipina ang nagpapababa sa atin...kumbakit dito, usong-uso ang nakikipag boyfriend sa may mga asawa...eto namang mga lalaki, ang hihina sa tukso, maisip sana nila ang mga anak nilang dahilan ng pagpunta nila dito...
Sabi nila, bawal ang babae dito...anong bawal? sa recto merong marriage contract na fake, dito rin, mas mukha pang tunay..nakakainis talaga! teka nga, iibahin ko na ang tema nito at baka makalbo ako sa inis!
Tsismismosa...yan...ang marami dito, kung sa atin, hindi ko masasabing tsismosa ako, dito parang nagiging miyembro na ako...kasi naman, wala ngang magawa ang mga tao dito kundi mag tsismisan, it's a spice of life di-ba?
Plastik? super! meron dito niyan...meron nga akong kakilala, ang bait bait sa aking harapan...wag ka, sinisiraan niya ako at iba pang kanyang kaibigan ng pasimple sa talikuran..hayun, wala na yatang magtiyagang maging kaibigan nya kundi yung baliw...sayang. matanda na siya...at ito rin yung uri nga tao na parang politician, yun bang gagawa ng charity pero ipadidiyaryo...
O di-ba? hindi ka rin maho-homesick masyado, nakakalibang din pag aralan ang mga ugali ng tao...ako kaya ano ang sinasabi nila? maldita? Teka, tigilan ko na nga ito at lumalabas ang aking pagka maldita...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home