Hay Nakuuu!
Ang saya saya ni bunso kasi malapit na kaming magbakasyon, ako naman, mixed emotion, kasi sa totoo lang ayoko ng pumunta sa Manila City Hall...mag reresign na nga ako e...kasi ayoko na talagang makipag plastikan sa kanila...paano kaya ako makakapunta duon ng invincible mode ako? siguradong maghahanap sila sa akin ng pasalubong...wala akong dalang pasalubong sa totoo lang kasi ayoko silang dalhan...
Alam kong hindi naman kami immigrant dito, bumabase lang sa kontrata ng aking asawa ang aming pamamalagi dito...pero balak ko, kapag dumating na ang panahon na matapos ang kontrata niya ay makapag tayo na lang ng isang negosyo(di ko pa rin alam!).Ayoko na kasing mamulitika, kaya nga hanggang ngayon, hindi pa kami bumoboto, pwede ng bumoto dito, tinatanong ako ng aking daddy kung sino ang iboboto ko, sabi ko, bahala na...hanggang ngayon, wala pa rin akong mapili sa kanila, ang gulo gulo nila! hayaan ko na lang kaya na si daddy na lang ang bumoto? kaya lang, sayang ang aking karapatan...hindi ako makakaboto ng Mayor...sayang, kasi me sigurado na akong iboboto sa Maynila.
Nag e-mail ang aking kasamahan, pinababalik ako bago mag eleksyon dahil kasama pa daw ako sa Comelec, sabi ko, ibigay na lang sa iba ang slot ko...ayoko ng makipagbuno sa ballot boxes.
Hay naku, imbes tuloy na masaya ako dahil bakasyon kami, nag iisip ako...gustong gusto kong makarating sa iba ibang bahagi ng Pinas, mamasyal...pero sigurado ko, sa dami ng ka ek-ekan sa city hall para lakarin ang aking resignation, mauubos ang panahon ko, 1 buwan lang kami sa atin...goodbye pasyal!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home