MALAPIT NA KAMING MAGBAKASYON!
Wow, excited na si bunso, malapit na kasi kaming magbakasyon, iniisip ko na kung ano-ano ang ipasasalubong ko sa mga kapatid ko at syempre ke ineng at sa kanyang mga pinsan...wala pa akong maisip e! Kagabi, nanonood kami ng TV Patrol, ipinakita yung mga highway sa atin na super traffic at puno ng tao, at ang akala ni bunso ay may sandstorm din sa atin! (Polusyon yun!) sabi niya ay "hindi bale mommy, magdala na lang tayo ng pang takip ng nose para hindi pumasok ang buhangin" hindi ko malaman kung matatawa ako o malulungkot dahil sobra talaga ang usok na nakikita sa TV. Tapos may isang portion na sa isang mall naman...sabi ulit ni bunso "mommy,huwag mo ako bibitawan diyan kasi baka mawala ako" paano naman, pinapakita yung worst situation sa TV...pero sa totoo lang naman, hindi naman ganoon kalala, ang pag kaalam ko, ganuon ang itsura ng mall kapag may midnight sale or pag christmas season...pero kapag ordinaryong araw, hindi naman siguro, o baka naman kaya dumami na ang pera sa atin (dahil kaya eleksyon?) kaya nag uunahan mamili ang mga tao...speaking of sale...dito, ang sarap mamili kapag sale, pulos pinoy lang ang tao sa tindahan, kwentuhan habang namimili ng ipasasalubong...85%, kapag naging kabayan pa ang salesman, 90%...merong bargaining...at saka talagang alam mo na sale...natawa nga ako sa Benetton, sabi ng Indiano na nagtitinda, huwag ko daw ipagkalat na 85% niya ibinigay sa akin,e halos 2 lang kami ng kaibigan ko na nanduon sa tindahan nila.
Ang sarap mag halukay! parang nasa Divisoria ako sa pag kakalkal, pero wala akong kaagaw...at take note, Guess, sisley at benetton ang hinahalukay ko...sa tin, mahirap bumili ng mga ito, masakit sa bulsa.
Sige na nga, mag ba-bargain hunting pa ako....

0 Comments:
Post a Comment
<< Home