Thursday, May 13, 2004

Baboy, Pork, Yobab...
Dami na naming nakain na pork mula ng dumating kami dito sa atin...lahat ng luto gusto kong gawin, hayun, kahit sumakit ang tiyan ng aking husband, sige kain pa rin siya...sabi ko nga huwag lang siya ma alta presyon ok lang...pero sa presyo ng bilihin, gusto ko na talagang ma alta presyon, grabe!!!
Pero bilib ako sa ating mga Pinoy, kahit grabe ang mahal ng bilihin, kahit pagkain, hindi pa ako nakakapasok ng mall or jollibee na lang na hindi ako pipila ng mahaba...grabe ang powers natin!!! sa saudi, ang daming pera ng mga tao pero walang tao sa mga malls or eateries...magtataka ka talaga.
Election last monday, andito na kami, enjoy, natulog ako maghapon...nakaboto na kami ni husnband ko sa riyadh before kami umuwi, pero nagsisisi ako, kasi parang kulang, hindi ako nakipagsiksikan at naiinggit ako sa may mga tinta sa daliri, si bunso nga, sumama sa kanyang ate at nagpalagay din.
Natutuwa ako at nakikita kong nag eenjoy ang aking ineng at bunso sa isa't isa, kahit bihira pa rin silang magkasama dahil may pasok si ineng at sa dorm siya kapag weekends, mas madalas nga lang ang uwi niya ngayon...kahapon, sumakay kami ng mega train papunta sa katipunan mula sa pureza, ang ganda, ang sarap, at least, may nasakyan ako na hindi traffic at siksikan, malamig pa! pati si bunso ay enjoy din...sakay din kayo ng makita niyo ang mga lugar dito sa metro manila...binibiro nga ako ni ineng, sumakay na rin daw kami ng mrt at lrt, kumpletuhin na namin ang tour...kaya lang, hindi naman tuloy tuloy ang biyahe, bababa ka pa rin at lilipat sa train...wish ko lang....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home