SI ADRIAN AT SI MAAN...
ay teka, kare na nga pala si ineng...ayaw na ng maan, dalaga na kasi, si bunso naman, tuwang tuwa siya sa kanyang ate, matagal silang hindi magkasama kaya lungkot siya pag wala si ate dito sa bahay, kapag sinasabi naman namin na babalik na kami sa saudi, payag siya, pero gusto niya kasama na ang kanyang ate...
kahapon, namasyal kami, masaya silang magkapatid, kaya nga sa natitira pa naming bakasyon, pipilitin ko na makapasyal pa kami kung saan saan, kahit sa manila zoo, kasi daw si ineng, hindi pa nakakarating duon mulang 2 yrs old siya...ang hirap naman kasi dito, walang pasyalan kundi malls, umaaray na tuloy ang bulsa ni husband...gusto na tuloy bumalik sa saudi ng wala sa oras ;0
ang problema namin, yung pagbalik namin sa saudi, yung pag aadjust na naman ni bunso na hindi kasama ang kanyang mga pinsan at ate...mahirap mag adjust duon, kasi nanduon lang kami sa loob ng bahay...pero hindi bale, malapit na ang pasukan, papasok din naman siya sa school...sana, huwag naman siya gaanong ma homesick...at ako din...

1 Comments:
To the webmaster / site owner of http://moonyeen.blogspot.com/
I would like to request a reciprocal link of our sites. If you would be interested, here are the details of my site:
Philippine Sites
http://geocities.com/philippine_sites/
A compilation of quality Philippine sites
Hope to hear from you.
Thanks
Philippine Sites
philippine_sites@yahoo.com
Post a Comment
<< Home