MAGANDANG UMAGA ULIT!
Neng,
Gustong gusto kong alagaan ka ng may sakit ka, gusto kong ipagluto ka ng masarap na soup (maggie o lucky me?) gusto kong punasan ka ng nilalagnat ka...kahit malaki ka na, dalaga ka na nga, baby pa rin kita...tandaan mo yan, mahal na mahal kita...kung pwede lang sana na hindi tayo magkalayo dahil gusto ko rin na magkakasama tayo, kaya lang alam mo ang sitwasyon natin di-ba?Sana, nauunawaan mo...matalino ka, alam kong naiintidihan mo...ang hirap kasi ng buhay diyan sa tin, kailangan pang magkalayo tayo para maibigay ko ang pangangailangan mo...and always remember, hindi ka nag-iisa, nandito pa naman ang mommy, lagi kang ipinagdarasal na maging mabuting tao, at protektahan ka NIYA.
Miss na miss ka na namin, lalo na si bunso, tinatanong niya kung kailan ka namin pwedeng isama dito, araw araw tinatanong niya kung graduate ka na kasi ang thinking niya, kapag graduate ka na, darating ka na dito...nakipag away pa nga siya sa school eh, kasi ang topic nila sa Sibika ay pamilya, pinagdala sila ng mga pictures ng family nila, siyempre nanduon ka...sabi daw ng classmate niya, mas maganda ang ate niya (ni EJ) kesa sa yo...nagalit si bunso, sabi niya, pinakamaganda ang ate niya, hayun, sinuntok daw siya ni EJ, sinuntok din niya...sabi ko nga sa kanya, huwag na siyang makipagtalo kung kaninong ate ang mas maganda, basta para sa amin, si ate ang pinakamaganda at pinakamatalino.
Sa tuwing pupunta kami sa mga malls, tumitingin siya ng pwedeng dalhin sa yo...nakapulot nga siya ng pang ipit sa buhok, itinabi nya yun at iuuwi daw niya sa yo...
Ate, mag aaral kang mabuti at huwag ka ng malungkot...mahal na mahal kita...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home