Tuesday, September 28, 2004

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Samutsari

Kasi po, nasira ang PC ko, hayun, matagal bago nagawa dahil sa bwiset na virus...wala namang raon dito na pwedeng pagawa...
Naiinis na akong manuod ng TV Patrol, ganun at ganun ang balita, krisis...sweldo ng GOCC directors...patayan...sabi nga ni daddy, ganun daw kasi, pag pangit nasa balita na agad. Pati dito sa Saudi, headline ang Pinoy...meron naka comatose tayong kabayan na nakipag laban sa snatcher ng cellphone, hinabol niya at kinaladkad siya ng car, tumama ang ulo niya sa semento...dapat di na lang niya hinabol kasi mabibili naman niya yun...salbahe na ang mga teens dito na talukbong, nabigla din siguro sila ng lumaban si pinoy...isa pang headline yung mga fake na marriage contracts, ang dami ng nahuhuli at nakukulong dahil dito, bawal kasi talaga ang magsama ang hindi mag asawa kaya alam mo naman ang ingenuity natin, kahit patatas nagiging selyo...ang hindi inaasahan ng mga kababayan natin na gumagawa ng kababalaghan dito ay naka link na sa NSO ang chamber of commerce dito na kapag nasita ay ibine-verify, hayun, posas diretso...bakit naman kasi alam naman na bawal, sige pa rin...hindi na lang hintayin ang bakasyon nila at sa pamilya ibuhos ang pera at sa asawa ibigay ang pagmamahal...nagbigay na ng pahayag ang embassy hingil dito, mag ingat daw ng husto...di-ba dapat ang sabihin nila, huwag gumawa ng bawal? o alam nila na marami pa rin talagang matitigas ang ulo na kabayan natin? sabi naman ng iba, duon din daw galing ang papel....sa tamang halaga. Hay ewan, makukulit kasi....

1 Comments:

Blogger Apol said...

musta na? baka next year ofw na din ako. at mukhang dyan din sa saudi, di pa nga lang sure. pero ang sigurado, mag a abroad na rin ako :(

1:29 PM  

Post a Comment

<< Home