Tuesday, November 23, 2004

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Ang Hirap?

Sorry kasi ngayon lang ako nakapagsulat muli dito...mahirap kasi ang schedule ko, sa umaga, asikaso sa mga papasok, luto luto ng kung ano-ano...tunganga...
Ano mahirap dun? aba kayo man ang tumunganga at mangarap ng mga bagay bagay na gusto ninyong mangyari pero malabong mangyari, mahirap yun...kaya nga maraming nasisiraan ng bait dito sa Gitnang Silangan kasi nga maraming mga ganuon na pangyayari...buti na lang ako, meron akong computer na napaglilibangan, kulang nga oras ko minsan...
Marami akong kwento, mga samu't saring karanasan ng mga kababayan natin dito...pero habang tumatagal, naiisip ko, bakit ganuon? syempre, hindi ko pa kayang sagutin yun, kasi nga sa bawat individual, may kanya kanyang dahilan...
Pero eto ang madalas dumadapo sa isip ko ngayon...ano na kaya ang nangyari kay S saka kay N?
sila ay mga babaeng kababayan natin na napdpad dito dahil sa magkaibang dahilan...si S, kinailangan niyang lumayo sa atin dahil sa itinakwil daw siya ng kanyang pamilya, meron daw kasi silang naging problema ng nanay niya,marami siyang kwento, nagsimula daw siyang magtrabaho sa palasyo...teacher siya sa atin...bilang alalay ng prinsesa, siyempre marami daw siyang narating na iba't ibang lugar, maraming naipundar sa atin...yun nga lang daw, nagkasakit ang tatay niya at naubos kaya kinailangan pa rin niyang bumalik dito, may nakilala siyang lalaki na magpapakasal daw sa kanya, tumakas siya sa palasyo at sumama sa maginoong lalaking iyon...hayun, nabuntis siya, si lalake? nauna ng umuwi dahil aasikasuhin daw ang magiging kabuhayan nila sa atin...ng 7 buwan na ang tiyan ni S, kinailangan na niyang umuwi dahil hindi siya pwedeng manganak dito dahil wala siyang asawa, nalakad naman ang mga dokumento niya at nakauwi siya...ang masaklap? 7 na pala ang anak ng maginoong lalaking iyon...ayaw kong isipin kung ano ang ginawa ni S sa baby niya...pabalik na daw siya dito, kailangan daw kasi, wala siyang binabanggit anuman tungkol sa anak niya. Hindi ko malaman kung maawa ako sa kanya o maiinis, kasi ang tanda tanda na niya, nabola pa siya...pero sabi nga, baka na in love?
Si N? bukas, yun namang buhay niya ang ikwekwento ko...kasi bitin pa, hindi ko pa tiyak kung ano na ba talaga ang nangyari sa kanya.

1 Comments:

Blogger infraternam meam said...

manay...lima ang kapatid kong babae, lahat sila mayroon ding mga storya sa buhay. pero mapalad naman kami, kasi halos lahat sila naging mabuti ang kalagayan, kaya kalat kalat kami sa mundo(si erpat kasi retired military). pero yong aming bunsong babae kapatid ang medyo hindi sinuwerte sa kanyang hinayupak na asawa. seaman, 3rd engr sa barko intl route, parating wala sa buhay ng kapatid ko, hanggang isang araw may sulat na dumating sa bahay ni utol, address sa hinayupak na bayaw ko, si utol thinking it was important, opened the letter at ano ang ibinulalat ng sulat... isang japayuking pinay na sumulat sa hinayupak na bayaw ko at didedescribed ang kanilang buringkingan in details at ang sabi pa handa na raw siyang alagaan ang hinayupak na bayaw ko. ang moral of the story, annulled na ang kasal at hiwalay na si utol sa asong bayaw ko for three years now.(sorry ngayon lang ako bumisita.. i shall return)

12:04 PM  

Post a Comment

<< Home