Tuesday, November 30, 2004

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Kwentuhan part 2

Hayun, sabi ni ineng, puro tsismis daw ang laman nitong blog ko...syempre naman neng, kanino ko pa ikwekwento ang mga samu't saring istorya na naririnig ko dito? di naman ako pwedeng tumawag sa city hall at makipag chikka di-ba?
Itutuloy ko muna ang kwento ni N...si N ay 12 taong namalagi dito...meron siyang anak na 8 yrs. old, lalaki, nasa inang daw niya at kapatid, kasi ang asawa daw niya ay nalulong sa masamang bisyo (adik in short), nambabae daw kaya hayun si N, nalalake din daw siya syempre para makaganti kahit paano, sabi nga namin, mali yun, bakit hindi niya hiwalayan ang hinayupak na asawa niya tutal ang anak naman niya ay nasa nanay niya? wala siyang maisagot kung hindi "papatayin ako nun" sa palagay kaya niya, kapag natuklasan ng asawa niya yun e hindi siya papatayin? Umuwi na si N, dahil hindi makapag trabaho ng matino dito, tumakas kasi siya sa amo niya dahil ayaw daw siyang payagang lumabas (siyempre, paano sila magkikita ng BF niya?) umasa kasi siya na kapag umuwi siya, kukunin siya ng BF niyang 4 ang anak sa atin!
Hayun, ang balita namin, hindi na siya makakabalik, kasi, buntis siya (isip-isip...)
Maraming kagaya ng kwento nila...nakakalungkot, dala marahil ng lungkot dito sa Gitnang Silangan kaya nagagawa nila ang mga bagay bagay na ganun...minsan, pilit kong inuunawa ang ginagawa nila, pero may isang bahagi pa rin ng isip ko na nagtatanong...alam nilang mali, bakit nila ginagawa? Salamat na lang at narito ako sa piling ng asawa ko...kung hindi, napalitan na ako ni S or N o kaya ng ibang babaing nalulungkot (muntik na nga e!)...

2 Comments:

Blogger infraternam meam said...

manay....
tanong lang...hindi insult. bakit kaya ang mga pinay, katuwiran nila, pag ginawa ng lalaki kaya din nilang gawin!! akala ko ang babaeng pilipina, parang tala...sa umaga...ayan napakanta tuloy ako. going back to subject, si S and N (para namang brand ng brake fluid sa america yan) dapat isipin muna nila ang future. wala namang future sa akin(again ..hindi ito insulto) puwede pa kaya silang magmadre???

1:16 PM  
Blogger moonyeen said...

manong (sori po!) tinanong ko na din yan sa 2 yun, ang sagot sa akin? hindi pwede kasi iba ang relihiyon nila! tanong ko...meron ba kayo nun?

10:15 AM  

Post a Comment

<< Home