Malapit na ba Pasko?
Yan ang tanong sa akin ni bunso...nakita kasi niya sa TFC na meron ng christmas tree sa atin, kaya heto, nag kumahog din kami na magkabit ng christmas tree na mukhang puno (gets nyo?)
sabagay, ke bunso naman, sabitan lang ng mga christmas balls at ilaw, pwede na! araw-araw tuloy, tinatanong niya kami kung darating na ba si sta. claus...sabi nga ng isang kaibigan namin sa kanya, naku mahihirapan si sta. claus sa immigration, kasi me santa ang pangalan niya...at red ang suot niya...sabi naman ng isa, lumabas ka lang naman diyan maraming santa e, itim at puti nga lang ang mga suot nila, at itim ang balbas na mahahaba...(mga muttawa, religious police)...isa yan sa malungkot dito, walang pasko...as in bawal ang pasko...pero siyempre, mga pinoy kami, me pasko...me party kahit paano, me palitan ng regalo...me aginaldo rin ang mga bata...pero siyempre, iba pa rin sa atin, kasi dito, walang simbang gabi, walang bibingka at puto bumbong (wow, sarap!)...walang hamon, pero maraming keso de bola...pwede na yun..
Hindi mo nga mamamalayan dito ang pasko kung hindi ka nanonood ng TFC eh...dati sa atin, kapag sumasapit ang pasko, hindi pa dumidilat ang mata ko, mahaba na ang pila sa pintuan namin, medyo naiinis ako (medyo lang naman) kasi hindi pa ako nakapagmumumog me namamasko na...alam mo naman sa tundo...ngayon, miss ko na yun...pangatlong pasko na namin dito, hindi kasi kami makauwi ng pasko dahil maikli lang bakasyon ni bunso at ineng sa school, mabibitin lang daw, kaya itinatapat namin na summer...pero sabi ko ke husband, next year, uuwi kami ni bunso kahit 2 weeks lang.Ganun dito, pa simpleng patugtog ng mga pamasko...hindi nga pwedeng magbatian ng "Merry Christmas" sa labas eh...buti nga sa Filipino school nag-aaral si bunso, kahit paano, me christmas party sila kahit patago (bawal pa rin!) kaya ang tawag e, get together party (pwede yun!).

1 Comments:
manay....
likas sa ating mga pinoy ang mag celebrate ng pasko. pero ako, magmula ng nagtrabaho ako sa airlines (10 yrs na) lahat ng holidy may pasok ako. tksgiving , pasko, new year pati holy week. malaki nga suweldo, pero hindi naman pera lang lahat. miss ko rin ang pamilya kahit nasa america kami, sige pa rin ang kayod. kaya hikbi, hikbi at higit sa lahat, hikbi ulit.
Post a Comment
<< Home