Wednesday, December 22, 2004

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com BERDAY KO NA!

Hayaan nyo na lang na batiin ko sarili ko...happy birthday to me...pinipilit kong masaya kasi birthday ko...pero di ko pa rin maiwasan malungkot, kasi miss ko si ineng ko, lalo na't malapit na naman ang Noche Buena, tumawag sa akin ang tita niya, naghahanda raw si ineng para sa Noche Buena namin...siyempre, di mawawala dapat ang hot chocolate saka spateti saka pan at siyempre, hotdog(kelangan, purefoods)...naalala ko tuloy nung kaming 2 pa lang ni ineng, kahit na nakalatang sauce ng spateti ayos na, ibubuhos lang, handa na...kahit 2 kami, kakain kami ng eksaktong 12MN, pero madalas, lumilipat ang mga kapatid ko sa amin, mula yun nung maliit siya, lagi naming ginagawa yun...kahit na narito na ako, nagluluto pa rin si ineng, at ako din, ganun pa rin ang pagkain namin. Miss na miss ko na tuloy ang baby damulag ko!
Naalala ko yung birthday ko bago ako napadpad dito, kasama ko yung mga kaibigan ko, inabot kami ng simbang gabi sa Malate...ngayon, eto ako, nag iisa, kasi wala akong handa, sabi ko sa 24th na lang ako magluluto kasi may pasok. Masaya naman ako, kasi binati na ako ng mga mahal ko sa buhay, na kahit long distance ay tinawagan nila ako.
Ilang taon na ako? siyempre, secret yan...pero sasabihin ko na rin...it's another beginning...
Sabi ng nanay ko, matanda na raw ako...parang siya hindi?
Ang laki ng pasasalamat ko sa Diyos, kasi kung babalikan ko ang buhay ko mula nung ipanganak ako, masasabi ko na mapalad ako, kasi mayroon akong ineng na matalino at mabait, mayroon akong bunso na kahit makulit ay mabait din, at si husband na kahit makulit din minsan e mahal na mahal kami...siyempre, inalis ko na sa isip ko yung mga pangit na pangyayari, basta ang mahalaga, kuntento ako at masaya (pero miss ko si ineng...) ngayon. Ano ang wish ko? siyempre, maging malulusog kaming buong pamilya...manatiling mabait ang mga anak ko at asawa ko...saka bracelet, yun na!


2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

manay...
si infraternam ito..ang yong manoy. o sige...hapi bday sa yo. este..ayonong makialam...ilang taon ka na ba talaga? sorry...and bastos ko talaga. o sige hindi ko na tatanungin...how old are you?..really!!! ako bata lang ako sa yo ng ilang oras. charinggggg. to be in the serious side of the matter...happy birtday and merry xmas. sana walang temple police na bumasa nito kung hindi tiklo tayo. when i celebrate my bday--- i dont look back. baka magkastiff neck ako. i always look forward. have a happy happy happy happy...what it is for you.hmmmmmmmmmmm!!!

1:17 PM  
Blogger Apol said...

belated happy bertday ms moonyeen! merry pasok na rin at happy new year! =)

11:54 AM  

Post a Comment

<< Home