ABAYA at Kung ano-ano Pa!
Matagal tagal akong hindi nakakapag post dito, kasi naman, nalilibang ako sa pagbabasa ng iba't ibang blogs...lumilipas ang araw ko na nagbabasa, e oras na pala ng pagluluto ko at darting na si bunso, hayun, pag nandito na si bunso, di na ko makasingit pa dito sa PC...ang hirap, 5 yrs old pa lang, me sarili na siyang oras ng pag co computer.
Nung isang gabi, lumabas kami, naghanap ako kasi ng abaya para sa akin, nasira ko kasi ang aking abaya, isalang ko ba naman sa washing machine e di nagiba siya! e, napaka importante pa naman ng itim na damit na yun dito, dahil ultimong pagbaba sa tindahan e kailangan yun, kung hindi hay naku, makikipaghabulan ka sa mga manyakis! Ang hirap maghanap ng abaya ko, nagpunta na nga kami duon sa Kuwaiti Souk na siyang bilihan ng mga abaya...walang size para sa akin...sabi nung isang katutubo, magpasadya raw ako kasi ay alanganing childrens, alanganing adult ang sukat ko! di kaya ako alanganin talaga? kahahanap, hanap,at hanp pa, nakakita kami, (pagkatapos ng 2 salah!) hayun, maganda siya kaya lang ay mahaba...wala daw problema, babawasan sa ilalim...okey kako...sabi ko ke daddy, tawaran niya kasi di marunong inglis yung kausap namin, e di tinawaran...150SR daw kasama ang tarha (takip sa ulo, belo...) kako, 100 lang dun sa kabilang palengke, medyo nakasimangot ako...di daw pwede kasi malulugi siya...ngitian ko daw sabi ni daddy...e di nilabas ko ang mala close-up smile ko...bigla ba namang sabi sige daw, pwede para sa kin...(hehehe...kahit mukhang pinlaster ang ngiti ko). E di nagka ayos... maya maya pagkabayad, binigyan pa ako ng libreng tarha, mas maganda pa! e di layas na kami...maya maya ay bumalik kami dahil pa iiksian ko nga pala...oke daw...binigyan pa kami ulit ng libreng tarha! Oke talaga mga katutubo dito, mangitian lang, solb na sila! sabi ko nga ke daddy, isang ngiti ko pa, baka ibigay na lang yung abaya!
Yun ang advantage ng mga Pinay dito, hindi kasi nakatakip ang mukha, kita ang magaganda (sige na!) nakakatawad...sa alahas nga pag bili ko, ipasuot mo lang dun sa katutubo ang pulseras kunyari usukat mo, 50% na ang maitatawad mo!
Kaya lang yung iba, me phobia na ata sa Pinay, pano naman yung iba, kulang na lang manghingi e...kakainis!
Teka, oras na naman ng luto ko...sige muna, basta, sisipagan ko na ang pag popost, mangangalap muna ako ng mga kwento.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home