Homesick?
Homesick na si bunso...wala na siyang bukang bibig kundi ang Philippines,natatawa nga kami ng daddy niya dahil ang assignment nila sa school ay pera, familiarization sa Philippine peso,pinagdala sila ng iba't ibang halaga, me 10,5, 50cents 20Pesos,50,100...pag ka check ni teacher sabi ko, tatanggalin ko na ulit, ayaw ba naman dahil sabi daw ni teacher, puwedeng ipang bili sa Jollibee...e, yun ang wala dito, jollibee, kumpleto ng kainan dito, pero wala talaga ang bubuyog!
Gagawa daw siya ng airplane na baloon at sasakyan nya papunta sa atin, gustong gusto na daw niyang makita ang ate niyang maganda at mga pinsan niya, ang sabi ko, mayroon din naman siyang mga nakakalaro dito kahit paano, sabi niya, iba daw, gusto na niyang i hug at i kiss ang ate niya.
Minsan nga napag uusapan namin ni daddy na sa Pilipinas na pag aralin si bunso at duon na lang kami, kaya lang, pinag uusapan pa lang, para daw hindi niya kaya (ni daddy) na magkalayo-layo kami ulit, kunsabagay, nakita ko ang situation dito...kakaloka talaga! sabi nga daw sa survey, 80% ng nanggagaling dito ay nagkakasayad (sa utak)...buti na lang kasama pa ako sa 20% (hehehe). Sinusubukan na nga namin mag apply sa ibang lugar...kasi dito, talagang temporary lang, contractual, di mo alam ang takbo ng panahon...
Teka...asan na ba sila? sino kamo? si crispin at si basilio! crispin! basilio! asan na kayo??????

1 Comments:
musta na?
oo nga, apply na lang kayo canada. dami client na nandyan ngayon sa saudi habang hintay nila resulta ng application nila ;)
Post a Comment
<< Home