Sunday, February 27, 2005

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com KAKATUWA!

Uy, malapit na kaming umuwi...Marso na pala, 1 araw na lang...sa katapusan ng Marso, nandyan na kami sa atin...kakain na kami ng babi. Sayang nga, hindi kami makakasama sa Bohol...bahala na, kasi magpapa repair kami ng bahay. Si bunso, ayaw ng pumasok sa school, tapos na raw ang test nila, bakit pa daw siya papasok, homesick na rin. Lately, narealize ko na hindi lang kaming naririto ang na hohomesick, kahit na pala nasa ibang malayang lugar ay nahohomesick din, there's no place like home talaga...kahit na kabi-kabila ang nababasa at napapanood naming mga nangyayari sa atin, gusto pa rin naming umuwi...yung mga kapatid ni daddy na nasa ibang lugar din, excited na talagang umuwi, hindi na nga raw sila magkamayaw sa pag eempake kasi mauuna sila sa amin ng isang linggo, may family reunion kasi sila sa pag-uwi namin, iniisip ko nga, sila nga na tumanda na sa ibang lugar, naroon ang kanilang pamilya at mga asawang porenger e, sabik na sabik pa ring makita ang mga kapatid nilang nanduon, na ayon sa kanilang mga kwento e, ni hindi sila tinatawagan kahit birthday nila o pasko!
Buti na lang ang mga kapatid ko, nanay ko, mga tita ko at pinsan at saka siyempre, si ineng, e inaabangan kami sa aming pag-uwi...sila, problema pa nga nila kung sino ang susundo sa kanila (hay buhay!)...sabi ko nga, tawagan nila at sabihin na hindi sila magkandadala sa mga bitbit nilang pasalubong!(Ay, ayokong maging maldita!)
Si Velyn nga, halos hindi na makatulog...kasabay namin silang uuwi, sabik na syempre sa mga anakis niya na naiwan dyan sa atin, nakakapraning! kasi tuwing gigising sa umaga, nag co-countdown! no wonder, naka empake na yata siya?
Ako, ayokong magpahalata na super duper excited akong umuwi...kasi, mas lalong ma hohomesick si bunso, hindi pa nga ako makapag lagay sa kahon ng iuuwi ko, kasi naman, iisipin niya na bukas na kami uuwi. Sabik na sabik na siya sa mga kalaro niya at sa ate niyang maganda.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home