Sisa
I had this weird dream last night...it's bout my ineng, she's being a bad girl daw (maliit pa siya), tapos pinalo ko siya...then all of a sudden, good girl na siya (ewan ko pano ko nalaman na good na siya)...bigla ko tuloy na miss ang ineng ko, e, alam ko naman na nag-aaral siya mabuti. Then, when I woke up, I called my nanay para kamustahin and to inform them na ipa book na kami ni arian, sasama kami sa bohol (thanks to my brother!!!). Siyempre,kinumusta ko si ineng...okay naman daw...pero talagang hindi maalis itong feeling ko na may problem si ineng ko...weird!
Dalaga na si ineng, tiwala ako sa kanya na anuman ang maging problema niya ay kaya niyang dalhin at alam niya ang mga limitasyon niyang dapat sundin. Alam kong may pagkukulang ako sa kanya bilang nanay, kasi iniwan ko siya duon...hindi ko naman gustong iwan siya eh, kung pwede ko nga lang siyang isama...alam kong nauunawaan niya ang dahilan ng pag punta ko dito, kasi maliit pa ng kapatid niya na hindi ko maihiwalay sa daddy niya, kailangan pa naming mag-ipon para maipagawa ang bahay namin na babagsak na ayon sa nanay ko! At saka, hindi ko naman siya iiwan kung alam kong hindi niya kaya...dalaga na siya, matalino, malawak ang pang unawa. Hay naku! teka, drama na naman ito...basta...i miss you neng, at anuman ang problema mo, andito ako, pwede mo akong i text, e-email...andiyan ang nanay at mga titas mo, hindi ka nila pababayaan...tandaan mo yan.I love you!!!

1 Comments:
swerte talaga ni Ineng mo. tats na tats ako dito.
Post a Comment
<< Home